baby_hoakie ([info]baby_hoakie) wrote,

Small World

Talagang maliit ang mundo. Yun lang ang masasabi ko.

Gustuhin ko man kumanta kasama ang Education Chorale pero kung kasa-kasama ko siya dun, di bale na lang. Kaya nga napilitan akong magquit para maiwasan at makalimutan ko na siya. Pero hindi ko inaasahan na papasukin na din niya ang mundo ng pagsusulat. Kahapon kasi nagkita kaming dalawa sa Education Journal Office and take note parehas pa kaming nagulat sa hindi naming inaasahan na pagtatagpo.

Me: Oi... bakit nandito ka?
Him: I'm taking the exam.
Me: For what? EJ Staffer?
Him: Uhmmm... yes

Grabeh... kahit anong iwas ang gawin ko, pinagtatagpo pa rin kami ng panahon. Nakakainis na talaga. Siguro nagtataka kayo kung bakit ganito na lang ang galit ko sa tao na yun. Well, honestly kaibigan ko siya o sabihin na natin former friend na hindi ko expected na magugustuhan ko. Pero sa pagkagusto ko sa kanya, matinding sakit lang ang naramdaman ko. Basta, ayaw ko na ikwento pa kung bakit dahil tapos na yun, I have moved on.

Balak ko pa naman magstay sa huling pagkakataon sa EJ pero dahil sa pangyayaring iyon baka magbago na ang pasya ko. Mas mabuti na mawala ako sa EJ kaysa naman makasama ko ang isang tao na kinalimutan ko na. Basta goodluck na lang sa kanya. Sana matanggap ka sa EJ, alam ko naman na kakayanin mong magsulat kasi magaling ka naman eh.

Totoo nga na maliit ang mundo lalo na sa mga taong ayaw na muling magkatagpo.

  • Post a new comment

    Error

  • 1 comments

[info]ob1kingobi

March 15 2006, 21:29:34 UTC 6 years ago

tsk, why would you quit something that you wanna do just because he happens to join it to. if you do that, you'll be missing out on a lot.
Create an Account
Forgot your login or password?
Facebook Twitter More login options
English • Español • Deutsch • Русский…