Sa tuwing maguusap kami ng matalik kong kaibigan. Madalas namin nagpaguusapan ang tungkol sa aming lovelife. Nung isang gabi nga, maiyak-iyak nga siya sa telepono habang sinasalaysay ang kasalukuyan niyang suliranin sa pag-ibig.
Matagal na ring walang nobyo ang kaibigan ko, masakit kasi ang iniwang bakas ng dati niyang minahal. Kaya nagulat na lang ako nang sinabi niya sa akin na may nagpapatibok na muli ng kanyang puso.
Nakilala niya ang binata dahil sa kanyang kasamahan sa trabaho, sa simula pa lang ay magaan na ang loob ng kaibigan ko sa kanya. Hanggang sa madalas na silang magkatext at magkausap sa telepono. Tuwang-tuwa siya kapag nakakausap niya ito o nakakatext. Lubos naman ang kanyang kalungkutan kapag hindi naman ito nagpaparamdam. Lumipas ang ilang linggo ay napansin niya na parang may kakaiba na siyang nararamdaman sa binata, yun pala ay nahuhulog na siya para dito. Pero nang magkita muli sila, parang nagbago ang lahat. Ayos sa kwento niya, nanlamig bigla ang lalake na para bang may mali siyang nagawa na hindi ito nagustuhan. Pinilit niya ito alamin sa kanya ngunit wala siyang nakukuha na maayos na sagot. Dahil dito, dinamdam niya ito ng matindi. Tinanong ko sa kanya kung totoo ba ang nararamdaman niya sa tao na yun kahit hindi pa niya ito lubusan na kilala. “Iiyak ba ako ng ganito kung hindi?”, ani niya sa akin. Kung nasa harapan ko lang ang siya sa mga oras na magkausap kami sa telepono, marahil ang binatukan ko na siya. Pero ano naman ang magagawa ko kung iyon talaga ang isinisigaw ng puso niya. Halos matagal din ang inabot bago siya umibig ulit, ngunit paano kung hindi naman siya gusto ng binata? “Bahala na kung masaktan, basta hihintayin ko siya. Saka na ako bibitaw kapag ayaw niya”, simpleng sagot ng aking kaibigan.